PITX, magbibigay ng libreng sakay sa mga manonood ng FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena sa Biyernes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na sila ay magbibigay ng libreng sakay sa mga manonood ng inaabangang FIBA Basketball World Cup, sa darating na Biyernes, August 25 sa Philippine Arena.

Maglalaan ang PITX ng 50 point-to-point buses para lamang sa game goers.

Kinakailangan lamang ng game goers na magtungo sa Gate 8 sa First Floor ng PITX, at ipakita ang kanilang game ticket sa bus conductor upang ma-avail ang nasabing libreng sakay.

Ayon kay PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador, nais nilang mapabuti ang overall experience ng attendees sa pamamagitan ng pagtiyak na magiging convenient at hassle-free ang kanilang biyahe papunta sa venue.

Sinabi rin ni Salvador, na may komportableng mauupuan at maayos na air-conditioning system ang mga P2P bus na ide-deploy ng PITX.

Hinimok rin ng PITX na huwag palampasin ang alok na libreng sakay sa Biyernes, upang masulit ang kanilang karanasan sa panonood ng nasabing torneo. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us