PITX, nakahanda na sa inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong long weekend

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong paparating na long weekend.

Ayon kay PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador, sila ay nakikipagtulungan sa Department of Transportation, Metropolitan Manila Development Authority, Inter-Agency Council for Traffic, at Parañaque City Traffic Management Office para sa pagtiyak ng safety, convenience, at accessibility para sa mga pasahero.

Sinabi rin ni Salvador na may mga ipinapatupad na silang hakbang upang mapabuti ang travel experience ng mga pasahero tulad ng pinaigting na security presence sa landport, pagpapabuti ng kanilang passenger management system, at pagtiyak ng sapat na availability ng public transport na tutugon sa pangangailangan ng mga pasahero. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us