Planta ng school supplies sa Malabon, dinadagsa na ng mga magulang bago ang simula ng klase

Facebook
Twitter
LinkedIn

Higit dalawang linggo bago ang pasukan ng klase, dinadayo na ng mga magulang ang pabrika ng school supplies sa Potrero Malabon.

Ayon kay Jennifer Yu ng Keng Hua Paper Products Co. Inc., habang papalapit ang araw ng pasukan asahan pa raw na marami ang mamimili sa pabrika.

Kumpara sa pamilihan sa labas, mas mura ang retail price ng school supplies dito, may malawak na parking area, at hindi nagsisiksikan.

Bagamat may gumagamit na ng tablet sa mga paaralan, marami pa rin ang namimili ngayong bumalik na ang face to face classes.

Aminado din ito, na naapektuhan sila sa nagdaang pandemya pero ngayon pa lang sila unti-unting nakakabawi. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us