Posibleng ma-extend ng isang taon ang serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. na nakatakdang magretiro sa darating na Disyembre.
Ito’y kung maipapasa ang panukalang itaas sa 57 taon ang kasalukuyang mandatory retirement age ng PNP na 56 na taon.
Sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Police Service kahapon, kung saan panauhing pandangal si Senate President Miguel Zubiri, ipinangako ng mambabatas na ipapantay ang retirement age ng mga pulis sa 57 taong retirement age ng mga tauhan ng militar.
Bukod sa planong dagdag-edad sa retirement age, nangako rin si Zubiri na pabibilisin ang deliberasyon sa PNP Modernization Act para sa mas pinahusay na serbisyo at performance ng organisasyon.
Inalok din ni Zubiri si Acorda na iabot agad sa kanya ang wishlist ng PNP para maidagdag na sa pagba-budget sa susunod na taon. | ulat ni Leo Sarne