PNP Chief sa mga pulis: Gamitin ang baril bilang ‘last resort’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaalala ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga pulis na “last resort” lang ang paggamit ng baril.

Ito ang sinabi ng PNP Chief sa pagbubukas kahapon ng Chief PNP Cup 2023 shooting competition sa ARMSCOR Shooting Range, Marikina City.

Ang pahayag ni Gen. Acorda ay kasunod ng mga alegasyon na gumamit ng sobrang pwersa ang mga pulis sa Navotas na bumaril at nakapatay kay Jemboy Baltazar matapos na mapagkamalang suspek sa krimen.

Paalala ng Heneral, dapat lang gamitin ng mga pulis ang baril kung hindi umubra ang “less lethal” na paraan para mapangalagaan ang kanilang kaligtasan at ng komunidad sa “imminent threats”.

Binigyang diin ng PNP Chief na mahalaga din sa mga pulis na maging bihasa sa paggamit ng baril na “standard police equipment” para sa mga pagkakataon na kailangan itong gamitin. | ulat ni Leo Sarne

📷: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us