PNP, tiniyak ang seguridad sa nalalapit na FIBA World Cup

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo na ng isang Security Task Force ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa nakatakdang pagho-host ng Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup.

Ayon kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., partikular sa kanilang tututukan ang latag ng seguridad para sa mga dadalo gayundin sa mga kalahok at mga lugar na pagdarausan ng nasabing palaro.

Kabilang sa mga babantayan ng PNP ay ang Philippine Arena sa Bulacan, SMART Araneta Coliseum sa Quezon City at Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakdang idaos sa bansa ang FIBA World Cup mula Agosto 25 at inaasahang tatagal naman hanggang sa Setyembre 10.

Ang Deputy Chief for Operations na si P/LtG. Michael John Dubria ang siyang mamumuno sa binuong task force at naatasan ding makipag-ugnayan sa iba’t ibang law enforcement agencies.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us