Potential ng Ilocos Region sa renewable energy, kinilala ng economic team

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Finance Secretary Benjamin Diokno kapasidad ng Ilocos Region at iba pang lugar sa norte para sa renewable energy.

Inihayag ni Diokno sa ginanap na Philippine Economic Briefing sa Laoag city na determinado ang Pilipinas na maging world leader sa  “Race to go Net Zero” dahil sa potentsyal ng probinsya sa renewable energy at massive reserves ng mineral resources for clean energy technologies.

Nakikita ng kalihim na magiging strategic partner sa misyon na ito ang Rehiyong Ilocos Norte.

Sa katunayan, ang probinsya ay tinaguriang  Renewable Energy Capital ng Southeast Asia, ang  Bangui wind farm,  na kauna-unahan sa Southeast Asia.

Sa probinsya rin matatagpuan ang 150-megawatt (MW) wind farm l Burgos at inaasahan matatapos na din ang 160-(MW) wind farm sa Pagudpud.

Ang PEB Laoag ay dinaluhan ng mahigit 300 miyembro ng business and financial communities, industry associations, local government units, nongovernment organizations, academe, at media.| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us