PRC, tumulong na maisaayos ang mga paaralan na napinsala ng Bagyong Egay sa Cagayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabilang sa mga matinding nakaranas ng epekto ng Bagyong Egay ang Calayan Island sa Cagayan kung saan ilang mga paaaralan ang napinsala.

Kaugnay nito ay agad na nagpadala ang Philippine Red Cross o PRC ng mahigit 600 na piraso ng bubong para maisaayos ang mga nasirang paaralan.

Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang Babuyan Claro Integrated School, Dalupiri Elementary School, at Banua-Pilid Integrated School.

Ito ay may kabuuang 24 na silid-aralan na ginagamit ng 700 mga mag-aaral at kasalukuyan pang kinukumpuni.

Bukod dito ay nagpadala rin ang PRC ng non-food items gaya ng sleeping kits, hygiene kits, kitchen kits, at iba pa.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, patuloy na pinalalawig ng PRC ang kanilang paghahatid ng tulong at agad silang nagpadala ng tulong sa Calayan Island upang muling makabalik sa eskwela ang mga bata sa lalong madaling panahon. | ulat ni Diane Lear

📷: PRC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us