Pres. Marcos Jr, nagpaabot ng pakikiramay at pagdadalamhati sa pagkawala ng beteranong broadcaster na si Mike Enriquez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pagdadalamhati ang Malacañang sa pagkawala ng beteranong mamamahayag na si Mike Enriquez.

Ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng kaniyang official X (Twitter) account ay nagpaabot ng kalungkutan sa balita hinggil sa pagpanaw ng beteranong brodkaster.

Ayon sa Pangulo, nagbuhos ng dedikasyon si Enriquez at buhay para makapaghatid ng ng patas na balita sa mga Pilipino.

Ipinaabot ng Pangulo ang taos-puso nitong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Mike Enriquez sa panahong ito ng pagdadalamhati.

Pati ang Presidential Communications Office (PCO) ay nagpahatid na din ng pakikiramay sa mga naiwan ni Enriquez.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, isang pillar of journalism si Enriquez at malaki ang naiambag sa paghubog at pagkakaruon ng walang kinililingang paraan ng pamamahayag.

Si Enriquez ayon kay Secretary Garafil ay isang mamamahayag na kanyang tinuturing na kasangga sa paghahatid ng tapat at walang-kinikilingang balita.

Sadyang hindi aniya matatawaran ang
kontribusyon nito sa larangan ng pagbabalita. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us