Public apology, inilabas ng Drone Tech sa insidente ng baliktad na watawat ng Pilipinas sa isang drone show

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humingi ng public apology ang kumpanyang Drone Tech hinggil sa isinagawang drone show kung saan nabaliktad ang watawat ng Pilipinas.

Inihayag ng Drone Tech ang kanilang taos-pusong paghingi ng paumanhin sa nangyaring insidente at dumaan umano sa masusing testing ang mga naturang drones bago isagawa ang naturang drone show.

Dagdag pa ng naturang kumpanya na magsisilbing aral ito sa kanilang kumpanya at makakaasa ang iba pa nilang kliyente na hindi na mauulit ang naturang pagkakamali ng kanilang kumpanya.

Sa huli, nakahanda namang harapin ng kanilang kumpanya ang pananagutan sa nangyaring pagkakamali sa teknikal na aspeto sa nasabing drone show. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us