Punong Barangay na kakatapos lang maghain ng kandidatura sa Albay, patay matapos pagbabarilin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay ang isang punong barangay na kakatapos lang maghain ng kandidatura sa Libon, Albay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Kinilala ang biktima na si Alex Enriquez Repato, 51 taong gulang at residente ng Brgy. San Jose, Libon Albay.

Bandang alas-5:50 ngayong gabi ng makatanggap ang Libon Municipal Police Station ng isang tawag sa telepono mula sa isang concern citizen ukol sa naganap na pamamaril.

Base sa impormasyon, kakatapos lamang umano ng punong barangay na maghain ng kandidatura sa COMELEC sa Centro Poblacion at habang papauwi ito, pinagbabaril umano ang punong barangay ng isang armadong suspek.


Agad namang binawian ng buhay ang biktima.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa naganap na pamamaril.

Dahilan nito, nagkundukta agad nga follow-up investigation ang mga awtoridad at nasa hot-pursuit checkpoint operations na ngayon ang 1st Albay Provincial Mobile Force Compant at Regional Mobile Force Batallion 5 sa layuning madakip pa ang mga salarin sa nasabing krimen.| ulat ni Garry Carl Carillo| RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us