Putatan Water Treatment Plant, pansamantalang isasara; ilang lugar sa NCR at Cavite, makararanas ng water interruption

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ngayon ang water concessionaire na Maynilad na pansamantalang maaantala ang suplay ng tubig sa ilang customer nito sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, maging sa Bacoor, Cavite City, Imus City, Noveleta at Rosario sa Cavite, mula Aug. 21 hanggang Aug. 22

Ito ay dahil sa naka-iskedyul na pag-shutdown nito ng mga planta sa Putatan, Muntinlupa.

Paliwanag ng Maynilad, ang nasabing plant shutdowns ay magbibigay-daan sa pagsasagawa ng ilang maintenance at repair activities upang mapanatilihing nasa maayos na kondisyon ng mga pasilidad.

Kabilang sa mga isasagawang aktibidad ngayong buwan ang pagkumpuni sa tumatagas na “inlet pipe” na nagdadala ng tubig mula sa mga planta papunta sa reservoir.

Isasabay din ang ilan pang maintenance activities para masigurong patuloy ang maayos na operasyon ng mga planta.

Kaugnay nito ay pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption.

Nakahanda naman din aniya ang kanilang mobile water tankers para mag-deliver ng malinis na tubig kung kinakailangan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us