Tuloy-tuloy na ang paglilibot sa mga barangay ang mga tauhan ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit at Quezon City Health Department para palakasin ang kampanya laban sa Dengue at Leptospirosis.
Patuloy ang kanilang isinasagawang case investigation upang tukuyin ang mga lugar na maaring pinagmumulan ng mga nasabing sakit.
Bahagi ng kanilang aktibidad ang pagbibigay ng kaalaman sa mga residente tungkol sa sintomas at pag-iwas sa mga sakit sa panahon ng tag ulan.
Batay sa huling tala, may 12 indibidwal ang namatay sa leptospirosis sa lungsod mula sa 108 kaso hanggang Agosto 12, 2023.
Habang tatlo naman ang nasawi sa Dengue mula sa 1,730 kaso hanggang sa kalagitnaan ngayong buwan. | ulat ni Rey Ferrer