QC LGU, tiniyak ang tulong sa kaanak ng mga nasawi sa sunog sa Tandang Sora

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pakikiramay ang Quezon City government sa pamilya at kaanak ng mga biktima ng sunog sa isang residential area sa Barangay Tandang Sora kaninang umaga.

Sa isang pahayag, sinabi ng LGU na nakikipag-ugnayan na ang Social Services Development Department (SSDD) sa kamag-anak ng mga nasawi para mabigyan ng karampatang tulong.

Handa rin aniya ang lungsod na magbigay ng anumang serbisyo na kinakailangan ng kanilang pamilya.

Kaugnay nito, nagkakasa na rin ng imbestigasyon ang LGU sa pangunguna ng Department of Building Official (DBO) at Business Permit and Licensing Department (BPLD) sa nangyaring sunog.

Kabilang sa aalamin kung may sapat na permit at dokumento ang negosyo na gumagamit ng establisimyento at kung may paglabag ito sa National Building Code, Fire Code of the Philippines, zoning ordinance, business permit, occupancy permit at iba pang mga batas at ordinansa.

Pagtitiyak ng LGU, bibigyang-prayoridad ang malalimang imbestigasyon sa naturang insidente.

Sa ulat ng BFP, 15 katao ang nasawi habang 3 ang sugatan sa sunog sa residential building na nagsisilbi ring imprentahan ng damit. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us