Red Cross, ikinalungkot ang pagpanaw ng batikang mamamahayag na si Mike Enriquez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Labis na ikinalungkot at ipinagdadalamhati ng buong hanay ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagyao ng isa sa mga batikang mamamahayag na si Miguel “Mike” Enriquez.

Sa isang pahayag, sinabi ni PRC Chairperson at Chief Executive Officer Richard Gordon na isang malaking kawalan hindi lamang sa industriya ng pamamahayag ang pagpanaw ni Enriquez kundi maging sa larangan ng serbisyo publiko.

Inalala pa nito ang aniya’y walang patumanggang pagsusulong nito sa mga adbokasiya ng Red Cross sa kaniyang programa sa Radyo at Telebisyon partikular na noong kasagsagan ng COVID-19.

Sa kabila aniya ng iniindang karamdaman, sinabi ni Gordon na ipinakita ni Mike Enriquez ang kaniyang katatagan gayundin ang kaniyang dedikasyon sa propesyong pinasukan na lalong lumalago kalaunan.

Idinagdag pa ni Gordon na sa panahon ngayon ng “misinformation” kailangan ng bansa ng isang tulad ni Mike Enriquez na ang tanging layunin ay ihatid ang katotohanan at mapagtagumpayan ito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us