Refresher course sa Police Operational Procedure, plano ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ng Philippine National Police (PNP) na isailalim sa refresher course ang mga pulis tungkol sa tamang Police Operational Procedure.

Ito ang sinabi ng PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan kasunod ng mga nakalipas na ilang kwestyonableng insidenteng kinasangkutan ng mga pulis.

Ang pinakahuli dito ay ang umano’y pag-ransack ng mga pulis ng Imus City Police station sa bahay ng senior citizen na isinasangkot sa iligal na droga na walang search warrant.

Sinabi naman ni Maranan na ang mga naturang insidente ay nagsisilbi bilang “eye opener” sa PNP upang madetermina ang mga dapat gawin para mas mapahusay ang kanilang serbisyo.

Muli namang pinaalalahan ni Maranan ang mga ground commander na sila ang responsable sa pagtiyak na sumusunod sa tamang Police Operational Procedure ang kanilang mga tauhan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us