Sinimulan na ng Caloocan City Treasury Department (CTD) ang pag-iisyu ng electronic official receipts (e-OR) para sa mga business at real property tax na binayaran online.
Ayon sa pamahalaang lungsod sa ilalim ng bagong sistema, otomatiko nang natatanggap ng taxpayer ang e-OR nito sa bawat online transactions.
Ang naturang hakbang ay bahagi aniya ng layunin ng pamahalaang lungsod na maisulong ang ease of doing business, at gawing mas epektibo ang mga proseso sa lungsod.
Ayon kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, sa pamamagitan nito ay mas mapapabilis, at mas maginhawa na ang pagbabayad ng buwis sa lungsod.
Target naman ng local government na palawakin pa ang saklaw ng E-OR kabilang na ang pagbabayad sa mga multa sa Single-Ticketing System. | ulat ni Merry Ann Bastasa