San Juan City, walang pasok bukas bilang paggunita sa Pinaglabanan Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora, na walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at mga paaralan sa lungsod bukas, August 30.

Ito ay matapos ideklara ng Malacañang ang special non-working day sa San Juan City.

Batay sa inilabas na Proclamation No. 328 ng Malacañang, ito ay upang bigyang-daan ang paggunita ng Pinaglabanan Day.

Ayon sa proklamasyon na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, naaangkop lamang na ipagdiwang ng mga mamamayan ng San Juan City ang okasyon at makisaya sa selebrasyon.

Ang proklamasyon ay pirmado ng Executive Secretary nitong August 24. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us