Sen. Poe, nanawagang ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pilipinong papalabas ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na ipagpaliban na muna ang pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pilipinong papalabas ng bansa.

Ito ay sa gitna ng hinaing ng publiko tungkol sa dagdag na mga dokumentong hihingin sa paglabas ng bansa dahil pasakit at dagdag gastos lang umano ang mga ito sa mga mamamasyal lang abroad.

Ayon kay Poe, hindi dapat balewalain ang pagdududa at mga kwestiyon sa bagong rules na ito.

Iginiit ng senadora na dapat gawing ligtas mula sa human trafficking ang mga paliparan sa bansa nang hindi ginagawang kumplikado ang mga proseso.

Dapat aniyang rebyuhin ang mga guidelines na ito para maiwasan ang mga inconveniences, cost at legal complications na maaaring harapin ng pasahero sa araw mismo ng kanilang flight.

Pinunto rin ng mambabatas ang pangambang posibleng makalabag sa right to travel at privacy ang pagbusisi sa financial capacity ng isang indibidwal.

Sa halip, inirekomenda ni Poe sa mga concerned agencies na magkaroon ng kapasidad na sanayin ang mga immigration personnel para makita agad ang trafficking, paigtingin ang seguridad, higpitan ang border ng bansa, at linisin ang kanilang hanay mula sa mga tiwali at walang kakayahan na tauhan.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us