Muling Iginiit ni Senator Joel Villanueva na mahalaga pa ring ipatupad ang work from home set up sa National Capital Region (NCR), upang maibsan ang pagbigat ng trapiko sa buong Metro Manila.
Ayon sa senator, kaya sinuportahan niya ang Telecommuting Act ay upang makabawas sa mobility nung panahon ng pandemya kung saan matindi ang hawaan ng COVID-19, para maging ligtas ang publiko sa nakakahawang sakit.
Dagdag pa ng senador, ngayong tapos na ang pandemya ay applicable parin ang naturang work set up sa Metro Manila.
Ito aniya ay dahil sa unti-unting pagbigat ng daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila, at dahilan ng ilang pagkaantala ng trabaho ang buhol-buhol na traffic.
Giit pa ng senador na base kasi sa pag-aaral ng JICA, P3.5 billion kada araw ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa traffic sa EDSA, at sa ilang panig ng Metro Manila. | ulat nI AJ Ignacio