Aminado si Senate President Juan Miguel Zubiri na maraming butas sa pagpapatupad ng National Service Training Program (NSTP).
Ayon kay Zubiri, marami siyang kakilala na hindi na kinailangang dumaan sa training sa NSTP at sumali lamang sa organisasyon.
May ilan rin aniyang nagpalakas lang sa lider ng organisasyon at nabigyan na ng pasadong marka.
Kaya naman tiniyak ng Senate president na boboto siya pabor sa panukalang ibalik ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa kolehiyo.
Giit ng senador, kailangan ring maisama sa ROTC ang modern warfare tulad ng cybersecurity dahil may mga estudyante na mga computer genius.
Pinunto pa ng mambabatas na ang isusulong na ROTC ay hindi naman stereotype at lumang military training. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion