Siklista na sinaktan at kinasahan ng baril ng isang dating pulis na nag-viral sa social media, desidido nang huwag magsampa ng reklamo — Atty. Fortun

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa pa rin si Atty. Raymund Fortun na magbago pa ang isip ng siklistang sinaktan at kinasahan pa ng baril ng isang dating pulis na nakagitgitan nito sa Quezon City na nag-viral pa sa social media.

Ito ang inihayag ni Atty. Fortun nang makapanayam ito matapos ang naging pagpupulong nila sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga siklista at motorcycle rider para sa planong road sharing ng bicycle lane sa EDSA kahapon.

Gayunman, aminado si Fortun na isa ring siklista na ayaw nang magsampa ng reklamo ang kampo ng biktima sa kabila ng kaniyang pangungumbinsi rito.

Ilan sa mga ipinaabot ni Fortun ang nag-uumapaw na suporta sa biktimang siklista ng iba’t ibang sektor maging ni mismong Quezon City Mayor Joy Belmonte, sabay pagtitiyak na handa rin siyang tumayo bilang abogado nito.

Sa kabilang dako, dumipensa naman si Quezon City Police District Director, Police Brig. Gen. Nicolas Torre III sa paratang na binigyan ng special treatment ang dating kabaro na si Wilfredo Gonzales.

Sinabi ni Torre na kaya ‘Alarm and Scandal’ lamang ang kanilang isinampang reklamo laban kay Gonzales ay dahil sa wala namang testigong makapagpapatunay sa tangkang pagpatay lalo’t nagka-ayos na aniya ang panig ng biktima at si Gonzales. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us