Speaker Romualdez, hinikayat ang pagpapalakas sa ugnayan at kooperasyon ng iba’t ibang mga bansa sa pag-unlad at paglikha ng dagdag na trabaho

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na susi sa pagpapalago ng ekonomiya at dagdag trabaho ang pinalawak na ugnayan at kooperasyon ng Pilipinas sa mga karatig bansa nito sa rehiyon.

Kasunod ito ng ulat na tumaas ang unemployment rate ng bansa sa 4.5% nitong Hunyo o katumbas ng 233 milyong Pilipino na naghahanap ng trabaho.

Nasa 159,000 itong mas mataas kumpara sa 2.17 milyon noong Mayo kung saan ang jobless rate ay naitala sa 4.3%.

Bagama’t kung ikukumpara sa kaparaheong panahon noong 2022 ay bumaba na ang mga Pinoy na walang trabaho ng hanggang 633,000.

“We support initiatives for enhanced cooperation and partnerships with our neighboring countries as key to unlocking the enormous potential for mutual growth and development that would generate gainful work and livelihood opportunities for Filipinos,” sabi ni Romualdez.

Kasabay nito ay isinusulong ni Romualdez ang BIMP-EAGA Vision 2025, kung saan makakabenepiyso ang Pilipinas bunsod ng mas mataas na bilang ng turistang bibisita sa bansa at pag-sigla ng tourism-based jobs.

Bahagi ng BIMP-EAGA Vision 2025 ang pagsusulong sa sub-region bilang food basket sa ASEAN at iba pang bahagi ng Asya.

Gayundin ang pagsasaayos sa pag-uugnay ng mga tourism destination, pagsuporta sa green ecotourism sites at pagtatatag ng pangmatagalang tourism-based livelihood.

“With our country’s diverse cultural and natural attractions, we stand to benefit from the realization of the BIMP-EAGA Vision 2025. Among others, this could help us attract more tourists from neighboring countries, leading to increased revenue in the tourism industry and providing jobs and livelihood to our people,” saad ni Romualdez.

Sa kaniyang pagdalo sa 44th AIPA general assembly ay itinulak ni Romualdez ang pagdaraos ng unang BIMP-EAGA Parliamentary Forum o BEPF sa 2024 sa Davao City upang maisama ang pagbuo ng mga polisiya gaya sa larangan ng turismo sa mga usapin ng BIMP-EAGA.

“BIMP-EAGA cooperation will only be maximized and made sustainable if regional and sub-regional platforms such as the AIPA and BEPF are able to fast-track legislation in support of BIMP-EAGA initiatives,” diin ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us