Muling itinalaga bilang legislative caretaker ng Negros Oriental 3rd district si House Speaker Martin Romualdez.
Matatandaan na pinatalsik sa pwesto ng Kamara ang dati nitong kinatawan na si Arnolfo Teves Jr. dahil sa patuloy na paglabag sa Code of Conduct ng House of Representatives.
Una nang ipinaalam ng Kamara sa COMELEC ang vacancy sa naturang posisyon at humiling na magpatawag ng special elections.
Itinakda naman ng poll body ang special elections sa Negros Oriental para sa hahalili sa nabakanteng posisyon sa December 9. | ulat ni Kathleen Jean Forbes