Speaker Romualdez, nakikiisa sa pagluluksa ng media industry sa pagpanaw ng mamamahayag na si Mike Enriquez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang mambabatas ang nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagpnaw ng batikang broadcaster na si Mike Enriquez.

Sa pahayag ni House Speaker Martin Romualdez, ipinaabot nito ang pakikiramay sa naiwang pamilya, kaibigan at katrabaho ng namayapang mamamahayag.

Aniya, malaking kawalan ang pagkawala ni Enriquez hindi lamang sa kaniyang media network na GMA 7 ngunit sa buong industriya.

“The industry and media network GMA-7 have just lost a broadcasting giant. The death of Mike Enriquez has left a void in the industry and in his beloved network his colleagues would struggle to fill. His absence will be felt for a long time,” saad ni Speaker Romualdez.

Kinilala ng House Speaker ang malaking ambag ni Enriquez lalo na sa pagsusulong ng karapatan ng mga naaapi.

Sa pamamagitan din aniya ng kaniyang docudrama na Imbestigador, ay binigyang babala at isiniwalat ang mga mapagsamantalang opisyal at indibidwal na ginagamit ang kapangyarihan at impluwensya para sa pansariling interes.

Maging si Deputy Speaker Ralph Recto, kinilala ang limang dekadang pagbibigay ni Enriquez ng balitang walang kinikilingan at pawang katotohanan.

Maaalala aniya si Enriquez sa kaniyang marubdob na pagtutok sa mga isyu na malapit sa mga tao.

Hindi lang aniya siya naghahatid ng mga kaganapan, ngunit ibinabalita ang araw-araw na dinaranas at hinaharap ng taumbayan.

“He was an old school journalist who was fair in reportage and fearless in his opinions with facts, and not fake news, as his basis and guide. Paalam sa isang anghel sa ere na nagtanod sa bayang ito.” sabi ni Recto.

Para naman kay Pinuno Party-list Rep. Howard Guintu, ang pagpanaw ni Enriquez, ay isang malaking kawalan sa larangan ng pagbabalita at sa industriya ng broadcast media. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us