Welcome para kay House Speake Martin Romualdez ang mabilis na aksyon ng Department of Agriculture (DA) upang makakuha ng suplay ng bigas mula Vietnam at India.
Kasunod ito ng pakikipag-usap ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban sa mga exporter ng Vietnam na nagbigay ng quotation na $30 hanggang $40 na mas mababa kumpara sa napag-usapang presyo.
Iniulat din ni Panganiban na pinaplantsa na rin ang pag-angkat ng bigas sa India sa kabila ng inanunsyo nitong ban sa pag-export ng bigas.
Ang naturang negosasyon sa Vietnam at India ay inaasahang magreresulta sa paborableng presyo para sa 300,000 hanggang 500,000 metric tons ng bigas na aangkatin ng Pilipinas.
Ayon kay Romualdez makatutulong amg pag-aangkat ng bigas upang hindi tumaas ang presyo nito sa pamilihan lalo’t katatapos lang manalasa ng bagyong #EgayPH at Habagat, maliban pa sa inaasahang epekto ng El Niño phenomenon.
“I commend the Department of Agriculture’s quick response to our efforts in securing a stable and affordable rice supply for our country. This is a significant step towards fulfilling our commitment to the Filipino to put food on their table at prices within their reach,” ani Speaker Romualdez.| ulat ni Kathleen Jean Forbes