Nagtakda na ang Commission on Election ng araw para sa Special Election sa 3rd District ng Negros Oriental.
Ito’y matapos ideklara ng House of Representatives na bakante ang position ng Kinatawan sa naturang distrito matapos patalsikin bilang kongresista si Arnulfo Teves.
Ayon kay Chairman George Erwin Garcia, sa December 9, 2023 ang itinakda nilang araw ng Special Election sa nasabing lalawigan.
Sa ngayon ay inatasan na ng COMELEC ang kanilang mga tauhan sa Negros Oriental na simulan na rin ang paghahanda para sa pagsasagawa ng Special Election.
Nasa mahigit 104,000 ang mga botante na nakarehistro at sakop nito ang pitong bayan at isang siyudad. | ulat ni Michael Rogas