Suspek na dumukot sa 8 taong gulang na Phil-Korean sa Mandaue City, sinampahan na ng kaso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinampahan na ng kasong Kidnapping with Serious Illegal Detention at Acts of Lasciviousness ang 32 taong gulang na caretaker matapos nitong isinilid sa maleta at tinangay ang walaong taong gulang na batang babae sa Brgy. Bakilid lungsod ng Mandaue City, Cebu.

Una nang sinabi ni Mandaue City Police Office Director Police Lt. Col. Jeffrey Caballes na kasong kidnapping at illegal detention ang plano nilang isampa sa suspek na si Godie Flor Rama.

Ngunit dahil sa nakuhang testimoniya ng mga pulis mula sa biktima isinama na rin ang kasong acts of lasciviousness in relation to RA 7610.

Tumanggi namang idetalye ni Police Col. Franc Oriol, Deputy City Director for Operations, ang impormasyong nakuha nila sa biktima dahil sensitibo umano ito.

Napag-alaman na sa panayam sa suspek, tahasang itinanggi nito na ginalaw nito ang menor de edad na biktima dahil nakababatang kapatid umano ang turing nito dito.| ulat ni Angelie Tajapal| RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us