Taguig LGU, nagsagawa ng house-to-house anti-rabies vaccination sa mga alagang aso at pusa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbahay-bahay ang mga tauhan ng Taguig City Office of the City Veterinarian ng pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa ng mga residente ng lungsod kontra rabies.

Layon ng nasabing programa, na matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng mga residente at ng kanilang mga alagang hayop.

Sa Barangay Pinagsama, aabot sa kabuuang 399 na mga alagang hayop ang nabakuhan kontra rabies.

Batay sa datos ng Office of the City Veterinarian, aabot na sa 38,880 na mga bakuna kontra rabies ang naibigay sa mga hayop sa mga barangay sa lungsod magmula noong Enero.

Inaasahan na maglalabas ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa kanilang mga social media pages ng iskedyul kung kailan gaganapin ang mga pagbabakuna kontra rabies sa mga aso at pusa sa mga barangay. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us