Taguig Mayor Lani Cayetano, nanawagan sa Makati LGU ng maayos na transition sa paglilipat ng ’embo’ Barangays

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa Makati City LGU ng maayos na transition sa paglilipat ng embo barangays, para sa pagpapatuloy ng mga serbsiyo ng Taguig City sa mga residente nito.

Sa kanyang naging talumpati sa Makati City Science High School, sinabi nito ang kanilang panawagan sa Makati City upang mai-turnover na ng maayos ang mga datos at mga record ng mga residente sa embo barangays, upang maipagaptuloy ng Taguig City ang mga serbsiyo sa kanilang mga bagong constituent partikular na ang mga senior citizen.

Dagdag pa ng alkalde, na mahalaga ang naturang mga datos at record upang mas malaman ng kanilang lungsod ang mga programang kailangang pagtuunan ng pansin sa mga nasabing barangay, at mapondohan ang mga ito.

Sa huli, nangako naman ang alkalde sa bawat residente ng embo barangays, na bigyan lamang sila ng kaunting panahon at pang unawa, upang mapawi ang kanilang agam-agam na ipagpapatuloy ng Taguig City ang mga naiwang programa ng Makati City LGU. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us