Task Force Discipline ng Muntinlupa LGU, muling umikot sa mga lansangan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nag-ikot ang Task Force Discipline ng Lungsod ng Muntinlupa para ipatupad ang disiplina sa mga lansangan ng lungsod.

Sa nasabing operasyon, ay na-impound ang walong motorsiklo at anim na tricycle matapos dumaan ang task Force sa mga kalsada at baybayin mula Pacwood Site sa Barangay Tunasan hanggang Lakefront sa Barangay Sucat.

Habang may kabuuang 35 naman ang nabigyan ng violation ticket dahil walang suot na helmet, at anim naman ang nahuli dahil colorum ang mga sasakyan habang ang isa naman ay nahuli dahil sa illegal parking.

Nakiusap si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa mga Muntinlupeño, na makiisa ang lahat sa mga clearing operation at panatilhin ang kalinisan ng mga kalsada at sidewalk, at siguruhin ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Ang mga nahuhuli namang hayop na pagala-gala habang isinasagawa ang operasyon ay dinadala sa City Pound na matatagpuan sa Pacwood Site, Tunasan sa pamamagitan ng City Veterinarian Office. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us