Toll Regulatory Board inaprubahan na ang taas-singil sa Cavitex sa Aug. 21

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng taas-singil ang Cavite Expressway o Cavitex sa darating na August 21.

Ito’y matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang petisyon na taas-singil ng Cavitex.

Ayon sa TRB, sa Class 1: ₱73 mula sa dating ₱64; Class 2: ₱146 mula sa dating ₱129; at Class 3: ₱219 mula sa ₱194
ang dagdag singil sa Paranaque toll barrier.

Habang sa Kawit barrier naman, sa Class 1: ₱73 from ₱64; Class 2: ₱146 from ₱129 Class 3: ₱219 from ₱194.

Ayon naman sa Metro Pacific Tollways South, ang naturang dagdag-singil ng Cavitex ay gagamitin sa pagpapabuti ng mga pasilidad at para na rin sa maintenance ng nasabing tollway upang mas maging maginhawa at ligtas ang bawat biyahe ng ating mga motorista. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us