Mula Enero hanggang Hunyo taong 2023, pumalo sa 2.2 milyon ang tourist arrivals sa Central Visayas region.
Ito ang ipinagmamalaking inihayag ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa ginanap na Post-SONA Philippine Economic Briefing sa Cebu.
Ayon sa kalihim, ang kaniyang home province na Cebu ang may pinakamalaking ambag sa nasabing regional arrivals matapos umabot sa 1.55 milyon ang naging combined domestic at foreign arrivals ng Cebu sa unang kalahati ng taon.
Mula sa ikalawang pwesto nuong 2022, umakyat naman ang Cebu bilang number one preferred destination sa overnight travel ngayong taon.
Magiging modelo ani Frasco ang Cebu sa pagpapalawak sa programang turismo sa pamamagitan ng Filipino Experience kung saan nakasentro sa culture at heritage ang gaganaping caravan sa bawat rehiyon at probinsya sa buong Pilipinas.
Ang Filipino Experience ay hango sa programa ng Cebu Province na Suroy-Suroy Sugbo, isang tourism caravan na nagpapakita sa kultura, produkto, at sikat na tourist spots na bawat lokalidad. | ulat ni Jessa Ylanan | RP1 Cebu