Maaari nang maiakyat sa Tanggapan ng Pangulo para malagdaan ang panukalang Trabaho Para sa Bayan (TPB) Plan.
Ito’y matapos i-adopt ng Kamara ang bersyon ng Senado para sa panukala na isang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) Priority Measure.
Ang TPB ang magiging employment generation and recovery master plan ng gobyerno sa susunod na 10 taon.
Sa pamamagitan nito ay inaasahang mapaparami ang mapapasukang trabaho sa bansa at mapataas ang employability ng mga manggagawa.
Ang itatatag na TPB Inter-Agency Council ang siyang bubuo at maglalatag ng mga polisiya kaugnay ng plano.
Nakapaloob din sa panukala ang pagtulong sa micro, small, and medium enterprises at mga kooperatiba sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa financing, kapital, at iba ang support mechanism gayundin ang skilling, upskilling, at reskilling ng mga manggagawa.
Bibigyang insentibo naman ang mga employer o pribadong organisasyon na magbibigay ng pagsasanay, teknolohiya, at mga bagong kakayanan sa mga manggagawa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes