Muling umapela sa pamahalaang lungsod ng Malabon ang mga pamilya sa Barangay Panghulo na tulungan silang maresolba ang tubig baha sa kanilang lugar.
Partikular ang may 300 pamilya sa Artex compound na maraming taon nang apektado ng tubig bahang hindi na humuhupa.
Ngayong magpapasukan na, sakripisyo sa mga estudyante ang sumakay ng bangka makatawid lang ng malalim na tubig baha.
Ayon sa ilang residente, naging imbakan na ng tubig baha ang kanilang lugar tuwing may pag-ulan.
Bukod sa mababa ang lugar, lahat ng tubig mula sa Barangay Santolan, Maysolo at Panghulo Road hanggang Obando ay dito dumadaloy at naiimbak.
Ilang beses na rin nila itong ipinarating sa lokal na pamahalaan pero wala pa itong ginawang aksyon. | ulat ni Rey Ferrer