Kabuuang P6.1 billion ang inilaang pondo para sa upgrading ng mga paliparan sa bansa batay sa 2024 National Expenditure Program.
Halos doble ito ng kasalukuyang P3.1 billion billion na pondo.
Sa higit anim na bilyong pisong funding, P2.8 billion ang mapupunta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasama na dito ang P1.2 billion na pambili ng bagong Communications, Navigation and Surveillance-Air Traffic Management (CNS-ATM) System.
Matatandaang nagkaproblema noong Enero a-uno sa CNS-ATM ng NAIA na siyang na nagdulot ng malawakang kanselasyon ng flights at isa sa pinakamalaking aviation fiasco sa bansa.
Ang iba pang paliparan na makatatanggap ng pondo ay ang Kalibo International Airport (P581 million); Laoag International Airport (P500 milyon); Tacloban Airport (P500 million); New Dumaguete Airport (P500 million); Busuanga Airport (P405 million); New Zamboanga International Airport (P300 million); New Manila International Airport (P200 million); Bukidnon Airport (P120 million); at New Bohol Airport (P97 million).| ulat ni Kathleen Jean Forbes