US Marines, tumulong sa AFP sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Egay sa Batanes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mabilis na tumugon ang United States Marine Corps (USMC) sa request for assistance ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para maghatid ng relief supplies sa mga biktima ng bagyong Egay sa Batanes.

Ayon sa US Embassy, aktibong nagsasagawa ngayon ang USMC at AFP ng relief operations sa mga komunidad na apektado ng bagyo, kasunod ng matagumpay na pagtatapos ng joint Marine Aviation Support Activity sa pagitan ng dalawang pwersa.

Sa unang araw ng operasyon, tumulong ang USMC sa paghahatid ng 5,000 kilo ng tubig at pagkain mula sa gobyerno ng Pilipinas sa Basco, Batanes.

Ginamit ng Marine Medium Tiltrotor Squadron (VMM) 163 (Reinforced), Marine Aircraft Group 16, 3rd Marine Aircraft Wing ang MV-22B Osprey aircraft sa operasyon.

Ang presensya ng Marine Expeditionary Force assets sa rehiyon ay naging daan sa mabilis na pagresponde sa sitwasyon, na bahagi ng commitment ng Estados Unidos sa mga kaalyadong bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us