Mahigit 20 pamilya sa Dagupan City, tumanggap ng tulong mula sa DSHUD

Kabuoang 23 pamilya mula sa Dagupan City ang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Regional Office I. Pinagkalooban ang mga benepisyaryo ng P10,000 financial assistance upang muling maipatayo ang kanilang nasirang kabahayan matapos maapektuhan sa nakalipas na Bagyong Egay. Ang nasabing mga benepisyaryo ay kabilang sa mga… Continue reading Mahigit 20 pamilya sa Dagupan City, tumanggap ng tulong mula sa DSHUD

Cartel ng bigas, pinatututukan na din ni PBBM para sa ipatutupad na price ceiling

Kasama na ding pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang cartel ng bigas na aniya’y labis ng umaabuso at nagpapataas sa halaga ng presyo nito sa merkado. Ayon sa Pangulo, kailangang gumawa na ng kaukulang hakbang kontra cartel upang matiyak ang patas na market competition at mapangalagaan ang karapatan ng mga mamimili. Partikular na… Continue reading Cartel ng bigas, pinatututukan na din ni PBBM para sa ipatutupad na price ceiling

Agusan del Norte LGU, ibinida ang mahigit 400 na napasukong mga CTG na tinagurian ngayong ‘rescued friends’

Pamahalaang probinsiyal ng Agusan del Norte, napagtagumpayan ang pagbabalik loob ng 456 ‘rescused friends’ Nakamit ang layuning mapasuko ang mga miyembro ng communist terrorist groups (CTGs) sa pakikipagkolaborasyon ng probinsiya sa 29th Infantry Battalion, 23rd Infantry Battalion, 65th Infantry Battalion, local government units, at partner agencies, stakeholders pati na komunidad. Dito ay naipatupad ang inklusibong… Continue reading Agusan del Norte LGU, ibinida ang mahigit 400 na napasukong mga CTG na tinagurian ngayong ‘rescued friends’

Ilang pamilya sa Valenzuela, inilikas dahil sa pag-ulan dala ng habagat

Mayroon ngayong tatlong pamilya o katumbas ng siyam na indibidwal ang inilikas sa Valenzuela City dahil sa mga pag-ulan dulot ng habagat. Batay sa ulat ng Valenzuela LGU kaninang alas-8:00 ng umaga, nananatili ang mga inilikas sa Luis Francisco Elementary School sa Veinte Reales. Kaugnay nito, patuloy ang monitoring ng pamahalaang lungsod sa mga pangunahing… Continue reading Ilang pamilya sa Valenzuela, inilikas dahil sa pag-ulan dala ng habagat

Mga tanggapan, satellite offices ng DSWD sa NCR, nananatiling bukas ngayong araw

Sa kabila ng suspensyon sa trabaho ay nananatiling bukas ngayong araw, September 1 ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office sa Quezon City, NCR Field Office pati ang lahat ng satellite offices nito sa Metro Manila. Ayon sa DSWD, ito ay para patuloy na makapaghatid ng serbisyo sa mga kliyente nito lalo… Continue reading Mga tanggapan, satellite offices ng DSWD sa NCR, nananatiling bukas ngayong araw

Panukala para mailibing ang mga Muslim salig sa kanilang tradisyon kahit wala pang death certificate, aprubado sa ikalawang pagbasa

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 8925 o Philippine Islamic Burial Act. Nilalayon nito na makasunod ang mga Pilipinong Muslim sa kanilang tradisyon na agad na mailibing ang kanilang yumaong mahal sa buhay sa loob ng 24 oras. Kaya naman bibigyan sila ng exemption sa pangangailangan na mairehistro kaagad ang pagkamatay… Continue reading Panukala para mailibing ang mga Muslim salig sa kanilang tradisyon kahit wala pang death certificate, aprubado sa ikalawang pagbasa

Makasaysayang larawan ng Lanao noong American Colonial Administration, ibinida sa Hisory Month ng MSU-IIT

Ibinida ng Mindanao State University – Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) ang mga makasaysayang larawan ng dating nagkakaisang Lanao del Norte, Lanao del Sur, at Maguindanao noong panahon ng American Colonial Administration sa taong 1900 hanggang 1940 sa pamamagitan ng photo exhibit. Layunin nitong isiwalat ang hindi bantog na kasaysayan ng dating nagkakaisang Lanao upang… Continue reading Makasaysayang larawan ng Lanao noong American Colonial Administration, ibinida sa Hisory Month ng MSU-IIT

Ipo Dam, nagpapakawala ng tubig

Nagsimula nang magpakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat. Ayon sa PAGASA, sinimulan pa kahapon ang pagpapakawala ng tubig sa dam. Sa ngayon ay .15 meters ang bukas na gate ng Ipo Dam. Sa datos naman ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay umabot sa… Continue reading Ipo Dam, nagpapakawala ng tubig

Mga kapalit na PhilIDs mula sa nasunog na Manila Central Post Office, nai-turnover na ng PSA

Nai-turnover na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga bagong imprentang Philippine Identification Card (PhilIDs) na kapalit ng mga nasunog mula sa Manila Central Post Office noong Mayo. Ayon sa PSA, aabot sa 7,352 PhilIDs ang ipinadala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na siyang printing partner ng PSA sa Central Mail Exchange Center (CMEC)… Continue reading Mga kapalit na PhilIDs mula sa nasunog na Manila Central Post Office, nai-turnover na ng PSA

Kaso ng viral road rage sa QC, dedesisyunan na ng LTO

Handa nang desisyunan ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang kaso laban sa dating pulis na si Wilfredo Gonzales na sangkot sa viral road rage video. Ayon kay LTO-NCR Acting Assistant Regional Director Hanzley Lim, hindi sumipot sa pagdinig kahapon si Gonzales at ang anak lang nito ang humarap sa LTO na isinuko ang… Continue reading Kaso ng viral road rage sa QC, dedesisyunan na ng LTO