LTO, palalakasin ang ugnayan sa PNP kontra online scammers

Paiigtingin pa ng Land Transportation Office (LTO) ang ugnayan nito sa Philippine National Police (PNP) para habulin ang mga online scammer na nambibiktima ng mga kumukuha ng lisensya sa ahensya. Ayon kay LTO Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, talamak online ang mga grupo na nag-aalok ng tulong para mapadali umano ang pakikipagtransaksyon sa LTO… Continue reading LTO, palalakasin ang ugnayan sa PNP kontra online scammers

22 biktima ng human trafficking, nailigtas ng mga awtoridad sa Zamboanga City

Nasagip ng mga awtoridad ang nasa 22 katao na posibleng biktima ng human trafficking sa isinagawang operasyon kamakailan sa isang pribadong pantalan sa Barangay Baliwasan, lungsod ng Zamboanga. Batay sa ulat ng Naval Forces Western Mindanao, matagumpay na nailigtas nila kasama ang ibang law enforcement agencies at ang Women and Children Protection Center – Mindanao… Continue reading 22 biktima ng human trafficking, nailigtas ng mga awtoridad sa Zamboanga City

Yellow Rainfall Warning, nakataas sa Metro Manila, ilan pang lugar dahil sa habagat

Nakataas ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at ilang lugar sa Luzon dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat na pinaiigting ng bagyong Hanna. Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, kaninang alas-8 ng umaga, umiiral ang Yellow Rainfall Warning sa MetroManila, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Zambales (Botolan, Cabangan, San Antonio,… Continue reading Yellow Rainfall Warning, nakataas sa Metro Manila, ilan pang lugar dahil sa habagat

Pagsusuot ng “West Philippine Sea’ statement shirt ng mga senador sa FIBA match ng Gilas Pilipinas at Chinese team, ipinaliwanag ng mga senador

Dinepensahan ni Senador Francis Tolentino ang mga kapwa niya senador para sa pagsusuot ng “West Philippine Sea” t-shirt sa naging laban ng Gilas Pilipinas kontra sa koponan ng China nitong Sabado. Nakatanggap kasi ng mga kritisismo ang ginawang ito ng mga senador dahil hindi anila dapat hinahaluan ng politika ang isang friendly game lang. Giit… Continue reading Pagsusuot ng “West Philippine Sea’ statement shirt ng mga senador sa FIBA match ng Gilas Pilipinas at Chinese team, ipinaliwanag ng mga senador

Tatlong dam sa Luzon, nagpapakawala pa rin ng tubig

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang tatlong dam sa Luzon dahil sa mga pag-ulang dala ng habagat na pinalalakas ng bagyong Hanna. Kasama rito ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan at ang Ambuklao at Binga Dam. Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay umabot sa 101.01 meters ang antas ng tubig sa… Continue reading Tatlong dam sa Luzon, nagpapakawala pa rin ng tubig

Iba’t ibang lungsod sa silangang bahagi ng Metro Manila, nag-kansela na rin ng klase

Nag-anunsyo ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa silangang bahagi ng Metro Manila ng kanselasyon sa klase sa mga paaralan sa kanilang nasasakupan. Ito’y kasunod pa rin ng nararanasang pag-ulan sa malaking bahagi ng Kamaynilaan bagaman wala namang nakataas na color coded rainfall warning o di kaya’y babala ng bagyo. Unang nag-anunsyo ang Lungsod ng… Continue reading Iba’t ibang lungsod sa silangang bahagi ng Metro Manila, nag-kansela na rin ng klase

2022 Census of Agriculture and Fisheries, opisyal ng inilunsad ng Philippine Statistics Authority Bicol

Pinangunahan ni Philippine Statistics Authority o PSA Bicol Regional Director L. Cynthia Perdiz CESO V, ang Press launch sa 2022 Census of Agriculture and Fisheries sa Lungsod ng Legazpi.  Kasama sina PSA Bicol Chef Statistical Specialist Danilo V. Lucena, Asst Regional Director Cynthia Berces ng National Economic Development Authority 5, mga kinatawan ng Department of… Continue reading 2022 Census of Agriculture and Fisheries, opisyal ng inilunsad ng Philippine Statistics Authority Bicol

Price ceiling, dapat makatiyak ng access ng mga Pilipino sa bigas — Sen. Grace Poe

Pinatitiyak ni Senador Grace Poe na ang inilabas ng price celing sa bigas ay makasisiguro na mananatiling accessible sa mga Pilipino ang bigas. Ito ang pahayag ni Poe kasabay ng paghimok kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng pangmatagalang solusyon para mapanatiling steady ang suplay at presyo ng bigas. Dapat rin aniyang masigurong… Continue reading Price ceiling, dapat makatiyak ng access ng mga Pilipino sa bigas — Sen. Grace Poe

Mga retailer ng bigas, pinagsusumite ng inventory, presyo ng bigas na kanilang nabili, para mas malinawan ang DA kung paano sila matutulungan

Hinimok ni Albay Representative Edcel Lagman ang mga rice retailer na magsumite sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ng sworn affidavit kung saan nakasaad ang kanilang imbentaryo ng bigas at sa kung magkanong halaga nila ito nabili mula sa mga trader. Sa paraan aniyang ito mas madaling matutugunan ng… Continue reading Mga retailer ng bigas, pinagsusumite ng inventory, presyo ng bigas na kanilang nabili, para mas malinawan ang DA kung paano sila matutulungan

DSWD, nakapaghatid na ng higit ₱35-M ayuda sa mga naapektuhan ng habagat na pinaigting ng bagyong Goring at Hanna

Sumampa pa sa ₱35-million ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng matinding ulan at bahang dulot ng habagat na pinaigting ng nagdaang bagyong Goring at Hanna. Pangunahin dito ang pamamahagi ng family food packs sa mga apektadong pamilya katuwang ang mga LGU. Sa pinakahuling… Continue reading DSWD, nakapaghatid na ng higit ₱35-M ayuda sa mga naapektuhan ng habagat na pinaigting ng bagyong Goring at Hanna