Pangulong Marcos Jr., inanunsiyo ang pagiging ASEAN Chair ng Pilipinas sa 2026

Magsisilbing host country ang Pilipinas sa ASEAN Summit sa taong 2026. Ang anunsiyo ay ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang intervention sa 43rd ASEAN Summit, kaharap ang mga kapwa ASEAN leaders. Ayon sa Pangulo, handa ang Pilipinas na kunin ang chairmanship tatlong taon mula ngayon. Binati naman ng Punong Ehekutibo si Indonesian… Continue reading Pangulong Marcos Jr., inanunsiyo ang pagiging ASEAN Chair ng Pilipinas sa 2026

P1 budget para sa Bureau of Plant Industry, inihirit ni Rep. Erwin Tulfo

Pisong budget ang hirit ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo para sa Bureau of Plant Industry (BPI). Sa pagpapatuloy ng pagtalakay ng House Committee on Agriculture and Food sa isyu ng mataas na presyo ng sibuyas sinabi ni Tulfo, na mas maiging hindi na paglaanan ng pondo ang BPI dahil sa… Continue reading P1 budget para sa Bureau of Plant Industry, inihirit ni Rep. Erwin Tulfo

Effort ng pamahalaan tungo sa food security at pagprotekta sa consumers, palalakasin ng Marcos Administration

Siniguro ng National Economic and Development Authority (NEDA) na patatatagin pa ng pamahalan ang mga hakbang nito para sa food security, pagprotekta sa consumers, at pagbibigay ng assistance sa mga magsasaka. Pahayag ito ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang inflation para sa buwan ng Agosto ay… Continue reading Effort ng pamahalaan tungo sa food security at pagprotekta sa consumers, palalakasin ng Marcos Administration

Kampanya vs. dengue, tuloy-tuloy nang isinasagawa sa mga barangay ng QC-LGU

Tuloy- tuloy na ang mahigpit na kampanya ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon laban sa sakit na dengue. Bunsod ito ng halos araw-araw na pag-ulan na nararanasan sa lungsod. Huling pinuntahan ng mga tauhan ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ang ilang barangay sa District 6, para magsagawa ng Dengue Case Investigation at health education.… Continue reading Kampanya vs. dengue, tuloy-tuloy nang isinasagawa sa mga barangay ng QC-LGU

LTO, pag-aaralan ang mungkahing pagtatatak sa Official Receipt/Cert. of Registration ng mga may-ari ng sasakyan

Pag-aaralan ng Land Transportation Office ang mungkahing pagtatatak sa Official Receipt/Certificate of Registration ng mga may-ari ng sasakyan upang matukoy kung pinalawig pa ang validity ng kanilang lisensya. Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, inihahanda na nila ang mga hakbang sa sandaling hindi bawiin ng korte ang naunang kautusan nito na pumipigil sa… Continue reading LTO, pag-aaralan ang mungkahing pagtatatak sa Official Receipt/Cert. of Registration ng mga may-ari ng sasakyan

PNP, handang umalalay sa mga ahensyang magpapatupad ng EO 39

Handang tumulong ang Philippine National Police o PNP sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan partikular sa pagpapatupad ng Executive Order no. 39 o ang pagtatakda ng price cap sa bigas. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo, tanging pag-alalay ang maibibigay ng PNP sa mga kinauukulang ahensya sa sandaling magkasa sila ng… Continue reading PNP, handang umalalay sa mga ahensyang magpapatupad ng EO 39

BSP, nakahanda sa mataas na inflation rate at kumpiyansang bababa ito sa 4th quarter ng 2023

Nakahanda ang Bangko Sentral ng Pilipinas na magkaroon ng adjustment sa ‘monetary stance’ nito. Ayon sa BSP, ito ay para maiwasan ang patuloy na paglobo ng mga presyo. Pero sa kabila naman nito ay umaasa ang Bangko Sentral ng Pilipinas na muling bababa ang inflation rate ng bansa sa last quarter ng taon. Ayon sa… Continue reading BSP, nakahanda sa mataas na inflation rate at kumpiyansang bababa ito sa 4th quarter ng 2023

8 pulis na nagpositibo sa confirmatory drug test ngayong 2023, sinibak na sa serbisyo

Kinumpirma ni PNP Public Information Office (PIO) Chief Police Col. Jean Fajardo na 8 pulis na nagpositibo sa confirmatory drug test sa taong ito ang sinibak na sa serbisyo. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na dahil naalis sa serbisyo, hindi na makatatanggap ng benepisyo ang 8 mga pulis. Kasalukuyan aniyang nahaharap… Continue reading 8 pulis na nagpositibo sa confirmatory drug test ngayong 2023, sinibak na sa serbisyo

Pinal na bilang ng mga nagsumite ng COC para sa BSKE 2023, inilabas ng COMELEC

Pumalo sa 1.4 milyon mahigit ang naitala ng Commission on Elections na nagsumite ng interes na maging opisyal ng Sangguniang Kabataan at barangay. Ayon sa COMELEC, ‘di hamak na mas marami ang bilang ng mga nagsumite ng kanilang COC ngayong taon kumpara noong huling halalang pang-barangay. Kasabay nito ay nilinaw naman ni COMELEC Spokesperson John… Continue reading Pinal na bilang ng mga nagsumite ng COC para sa BSKE 2023, inilabas ng COMELEC

Bilang ng mga nag-enroll para sa School Year 2023-2024, patuloy na nadaragdagan – DepEd

Tumaas pa ang bilang ng mga estudyanteng nag-enroll para sa School Year 2023-2024. Ayon sa Department of Education (DepEd), umabot na sa 25.6 milyon ang kabuang bilang ng mga mag-aaral ang nag-enroll ngayong school year. Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Learner Information System Quick Count hanggang kaninang alas-9 ng umaga. Pinakamarami ang nag-enroll… Continue reading Bilang ng mga nag-enroll para sa School Year 2023-2024, patuloy na nadaragdagan – DepEd