Pres. Marcos Jr., nagsalita tungkol sa South China Sea sa harap ng kanyang kapwa ASEAN leaders

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mahalagang tindigan ng isang lider ang anomang hamon na may kinalaman sa isyu ng soberenya. Laman ito ng intervention ng Punong Ehekutibo sa ginanap na 43rd ASEAN Summit Retreat Session na dito ay naging bahagi ng mensahe ng Pangulo ang tungkol sa South China Sea. Ayon sa… Continue reading Pres. Marcos Jr., nagsalita tungkol sa South China Sea sa harap ng kanyang kapwa ASEAN leaders

Davao City Police Office, nanawagan sa mga Dabawenyo na isumbong ang mga rice trader na lumabag sa price ceiling

Nanawagan ang Davao City Police Office sa mga Dabawenyo na agad ireport sa kanila kung may mga rice vendors na lumabag sa rice ceiling price batay sa ipinapatupad na Executive Order No. 39 ng Pangulo. Ayon kay Davao City Police Spokesperson PCapt. Hazel Tuazon, inatasan sila kasama ang ibang mga law enforcement agencies na tumulong… Continue reading Davao City Police Office, nanawagan sa mga Dabawenyo na isumbong ang mga rice trader na lumabag sa price ceiling

DSWD, nakapaghatid na ng higit ₱55-M assistance sa mga apektado ng habagat na pinalakas ng bagyong Goring at Hanna

Aabot na sa ₱55.3-milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar naapektuhan ng habagat na pinaigting ng bagyong Goring at Hanna. Ayon sa DSWD, inilaan ang ayuda sa higit 2,000 apektadong barangays sa 10 rehiyon sa bansa. Samantala, umakyat pa sa higit 231,748 pamilya… Continue reading DSWD, nakapaghatid na ng higit ₱55-M assistance sa mga apektado ng habagat na pinalakas ng bagyong Goring at Hanna

Desisyon ng suspensyon sa “It’s Showtime,” patas at dumaan sa due process— MTRCB

Nanindigan ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na patas at dumaan sa due process ang desisyon nitong suspendihin ng 12 airing days ang TV program na “It’s Showtime.” Sa isang pahayag, nilinaw ng MTRCB na isa itong quasi-judicial body na palaging pinaiiral ang patas na proseso pagdating sa paggampan ng mandato. “In… Continue reading Desisyon ng suspensyon sa “It’s Showtime,” patas at dumaan sa due process— MTRCB

Navotas City Agriculture Office at BPLO, nakatutok sa monitoring ng pagpapatupad ng EO 39 sa lungsod

Nagsasagawa na rin ng monitoring sa ilang pamilihan ang Navotas City Agriculture Office katuwang ang Business Permits and Licensing Office para tutukan ang pagpatutupad ng Executive Order No. 39 sa lungsod. Layon nitong i-monitor ang pagsunod sa price cap ng mga tindahan ng bigas sa Navotas City. Bago ito, nakipagpulong na rin si Mayor John… Continue reading Navotas City Agriculture Office at BPLO, nakatutok sa monitoring ng pagpapatupad ng EO 39 sa lungsod

Libreng “Kasalan ng Bayan”, isasagawa ng Iligan City LGU bilang parte sa pagdiriwang ng Diyandi Festival

Pinangungunahan ng Office of City Civil Registrar ang pagsasagawa sa programang libreng kasalan o “Kasal ng Bayan” para sa mga residente ng Iligan City na hindi pa nakakasal. Ito’y parte sa magarbong pagdiriwang ng Diyandi Festival 2023 kung saan binigyan ng pondo mula sa lokal na pamahalahan ang nasabing aktibidad. Ang venue at seremonya ay… Continue reading Libreng “Kasalan ng Bayan”, isasagawa ng Iligan City LGU bilang parte sa pagdiriwang ng Diyandi Festival

Pilipinas, isinusulong na makamit ang “better, stronger, and more resilient health system” — Finance Sec. Diokno

Tiniyak ni Finance Secretary Benjamin Diokno na committed ang gobyerno na magkaroon ng “better stronger and more resilient health system.” Ito ang pahayag ni Diokno sa ginanap na World Bank high level meeting na dinaluhan ng kalihim ng Department of Finance (DOF), Department of Health (DOH), at National Economic and Development Authority (NEDA). Tinalakay sa… Continue reading Pilipinas, isinusulong na makamit ang “better, stronger, and more resilient health system” — Finance Sec. Diokno

Philippine NGO Council on Population, Health and Welfare Inc. Tabaco LGU, lumagda ng kasunduan para sa mas pinalakas na technical health services sa lungsod

Lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) sina Chi Laigo Vallido, Executive Director ng Phillipine NGO Council on Population, Health and Welfare (PNGOC) at Tabaco City Mayor Cielo Krisel Lagman Luistro para sa kasunduang mas palakasin pa ang pagpapatupad ng health services sa lungsod sa tulong ng programang SIKAT (Sama-samang Inisyatiba para sa Kalusugan ng… Continue reading Philippine NGO Council on Population, Health and Welfare Inc. Tabaco LGU, lumagda ng kasunduan para sa mas pinalakas na technical health services sa lungsod

24 na trainees, matagumpay na nagtapos ng Dressmaking NCII mula sa TESDA TIP

Para masiguro ang mas pinalakas na kalidad ng technical education, nagtapos ang 24 na iskolar sa ilalim ng Dressmaking NCII mula sa programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Training Induction Progam ni Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda. Itinampok ng 24 na iskolar ang kanilang sariling gawang summer wear attire sa… Continue reading 24 na trainees, matagumpay na nagtapos ng Dressmaking NCII mula sa TESDA TIP

Maraming palengke sa Metro Manila, sumunod sa unang araw ng implementasyon ng EO 39 — DA Bantay Presyo

Nakasunod sa itinakdang price ceiling sa bigas ang karamihan ng mga palengke sa Metro Manila sa unang araw ng pagpapatupad ng EO 39. Sa monitoring ng Department of Agriculture (DA) Bantay Presyo nitong Martes, may walong palengke ang nagtinda ng ₱45 kada kilo ng well-milled rice na pasok sa EO 39. Kabilang dito ang Guadalupe… Continue reading Maraming palengke sa Metro Manila, sumunod sa unang araw ng implementasyon ng EO 39 — DA Bantay Presyo