3rd Quarter NSED, matagumpay na isinagawa sa Tagbilaran, Bohol

Matagumpay na idinaos ngayong hapon sa Tagbilaran, Bohol ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), na sinabayan sa buong bansa sa pamamagitan ng online sites ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ang aktibidad ay kasabay ng paggunita ng ika-10 anibersaryo ng Bohol Earthquake, na tumama… Continue reading 3rd Quarter NSED, matagumpay na isinagawa sa Tagbilaran, Bohol

DTI: Wala pang namumultahang retailer sa 2 araw na implementasyon ng EO 39

Nakipagdiyalogo ngayong araw ang Department of Trade and Industry (DTI) sa grupo ng rice retailers, upang pakinggan ang hinaing ng mga ito sa ipinatutupad na Executive Order (EO) 39 o ang mandated price ceiling sa regular at well-milled rice. Dumalo sa special meeting na inorganisa ng Grains Retailers Confederation of the Philippines, Inc. (GRECON) si… Continue reading DTI: Wala pang namumultahang retailer sa 2 araw na implementasyon ng EO 39

Patuloy na pagbaba ng crime index sa bansa, ibinida ng PNP

Ibinida ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang 8.8 porsyentong pagbaba ng Index Crime Volume sa bansa. Base ito sa datos ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) Crime Research Analysis Center mula January 1 hanggang September 5, 2023. Para sa taong ito 26,044 kaso ang naitala, mas… Continue reading Patuloy na pagbaba ng crime index sa bansa, ibinida ng PNP

DPWH, iprinesenta ang kanilang proposed 2024 budget sa House Appropriations Committee

Iprinesenta ngayong umaga ng Department of Public Works and Highways ang kanilang proposed 2024 budget sa House Appropriation Committee. Sa ilalim ng P5.768 trilyon na 2024 National Expenditure Program, nasa P822.2 bilyon ang inilaang pondo ng DBM sa DPWH. Bagaman nabawasan ng P72 bilyon mula sa budget na P894 bilyon ngayong 2023, ang kagawaran pa… Continue reading DPWH, iprinesenta ang kanilang proposed 2024 budget sa House Appropriations Committee

Isa sugatan, sa salpukan ng pampasaherong bus at ambulansya sa EDSA busway sa QC

Isa ang sugatan sa salpukan ng ambulansya at pampasaherong bus sa EDSA busway sa bahagi ng EDSA Kamuning Northbound sa Quezon City. Sangkot sa aksidente ang ambulansya na may nakalagay na Gerona Tarlac at ang RRCG bus. Batay sa report ng MMDA, biglang pumasok ang ambulansya sa EDSA busway na sakto namang papasok ang RRCG… Continue reading Isa sugatan, sa salpukan ng pampasaherong bus at ambulansya sa EDSA busway sa QC

Suhestiyon na 5 taon na importasyon ng bigas mula Vietnam, welcome kay Pangulong Marcos Jr.

Welcome kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rekomendadong limang taong importasyon ng Pilipinas ng bigas mula sa Vietnam. Sa bilateral meeting ng Pangulo at ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh, iminungkahi ng Punong Ministro sa Pangulo ang nasabing hakbang at ang kikilos aniya dito ay ang kani- kanilang Ministries of Trade and Agriculture.… Continue reading Suhestiyon na 5 taon na importasyon ng bigas mula Vietnam, welcome kay Pangulong Marcos Jr.

Mga mambabatas, nais taasan ang pondo para sa MAIP program ng DOH

Ilang kongresista ang naghayag ng suporta para taasan ang pondo ng Medical Assistance to Indigent Patients o MAIP program ng DOH. Sa budget briefing ng DOH, isa lang si Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano sa mga mambabatas na humirit ng dagdag pondo para sa MAIP. Aniya, napakalaking tulong ng naturang programa para sa… Continue reading Mga mambabatas, nais taasan ang pondo para sa MAIP program ng DOH

Mas murang manok at itlog, inaasahan kasabay ng inisyatiba ni PBBM na makabili ng bakuna kontra avian flu

RAMOT HASHEVIM, ISRAEL - MARCH 14: Freshly-laid eggs are collected for delivery to the local packing plant at the Aronheim family's egg farm on March 14, 2008 in the farming community of Ramot Hashevim, central Israel. World food prices are soaring in the face of what some analysts are describing as a perfect storm of circumstances; increasing demand from developing economies in Asia, rising fuel prices, severe weather impacting recent harvests and an economic shift to biofuel production. All this leaves the consumer paying more for basic staples such as bread and milk and is likely to have its hardest impact on poorer nations. (Photo by David Silverman/Getty Images)

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makabili ng bakuna kontra avian flu bilang proteksyon sa poultry industry ng bansa at maiwasan ang pagtaas sa presyo ng manok at itlog. Kasunod ito ng pulong ni PBBM sa isa sa nangungunang Indonesian animal health firm na PT Vaksindo… Continue reading Mas murang manok at itlog, inaasahan kasabay ng inisyatiba ni PBBM na makabili ng bakuna kontra avian flu

PAGCOR, agad rumesponde sa pangangailangan ng mga biktima ng baha sa Negros Occidental

Mabilis ang ginawang pagtulong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pangangailangan ng mga lungsod na apektado ng pagbasa sa Negros Occidental. Matatandaan na ang mga lungsod ng Bacolod at bago ay pawang inilagay sa ilalim ng State of Calamity ng kanilang mga konseho dahil na rin sa dulot na pagbaha ng bagyong Goring.… Continue reading PAGCOR, agad rumesponde sa pangangailangan ng mga biktima ng baha sa Negros Occidental

Umano’y pagdukot sa dalawang aktibista sa Bataan, ‘fake news’ ayon sa militar

Binansagan ng militar bilang ‘fake news’ ang napaulat na pagdukot sa dalawang environmental activists sa Orion, Bataan. Sa isang statement, mariing kinondena ng 7th Infantry “Kaugnay” Division ng Philippine Army ang Karapatan-Central Luzon sa pagkakalat nila ng kasinungalingan tungkol sa umano’y pagdukot ng mga tauhan ng gobyerno kina Jonila Castro at Jhed Tamano noong Setyembre… Continue reading Umano’y pagdukot sa dalawang aktibista sa Bataan, ‘fake news’ ayon sa militar