Pagsusuri sa implementasyon ng Rice Tarrification Law, isinusulong ni Senate President Zubiri

Naniniwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na panahon na para repasuhin ang Rice Tariffication Law (RA 11203) sa gitna na rin ng nararanasang isyu sa bigas sa bansa ngayon. Ayon kay Zubiri, kailangan nang magkaroon ng pagdinig ang Senate Committee on Agriculture at ang Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship para mapag-usapan ang naging… Continue reading Pagsusuri sa implementasyon ng Rice Tarrification Law, isinusulong ni Senate President Zubiri

Pansamantalang pagbawas sa ipinapataw na taripa sa bigas, ikinukonsidera ng NEDA

Pinag-aaralan ngayon ng National Economic and Development Authority (NEDA) na bawasan pansamantala ang ipinapataw na taripa sa bigas upang mapababa ang presyo nito. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, makatutulong aniya ang naturang hakbang upang maibsan ang epekto ng pagbilis ng inflation. Una nang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis pa ang inflation… Continue reading Pansamantalang pagbawas sa ipinapataw na taripa sa bigas, ikinukonsidera ng NEDA

Paninisi ng Anakbayan sa gobyerno sa umano’y pagkawala ng 2 aktibista, binuweltahan ng NTF-ELCAC

Hinamon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang Anakbayan na patunayan ang kanilang akusasyon na ang gobyerno ang responsable sa umano’y pagkawala ng dalawang environmentalists na sina Jonila Castro at Jhed Tamano sa Orion, Bataan. Sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director General at NTF-ELCAC Spokesperson Jonathan Malaya na… Continue reading Paninisi ng Anakbayan sa gobyerno sa umano’y pagkawala ng 2 aktibista, binuweltahan ng NTF-ELCAC

PNP, handang makipagtulungan sa CHR sa imbestigasyon ng 2,000 kaso ng umano’y paglabag ng pulis sa karapatang-pantao

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo ang kahandaan ng PNP na makipagtulungan sa Commission on Human Rights (CHR) sa kanilang imbestigasyon ng halos 2,000 kaso ng paglabag sa karapatang-pantao na kinasasangkutan ng mga pulis. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, siniguro ni Fajardo na hindi kukunsintihin ng… Continue reading PNP, handang makipagtulungan sa CHR sa imbestigasyon ng 2,000 kaso ng umano’y paglabag ng pulis sa karapatang-pantao