Distribusyon ng P15,000 cash aid para sa small rice retailers, magsisimula na bukas sa apat na lungsod sa Metro Manila

Sisimulan na bukas ang pamamahagi ng P15,000 cash assistance para sa mga small at micro rice retailer, sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sisimulan ang SLP cash payout sa mga pampublikong pamilihan sa Quezon City, Caloocan City, Lungsod ng Maynila,… Continue reading Distribusyon ng P15,000 cash aid para sa small rice retailers, magsisimula na bukas sa apat na lungsod sa Metro Manila

Pamamahagi ng fuel subsidy vouchers sa PUV drivers, minamadali na ng DOTr at LTFRB

Minamadali na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbibigay ng fuel subsidy vouchers para sa public utility vehicle (PUV) drivers. Ito ay matapos na aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng P3 bilyon pondo, na layong matugunan ang epekto ng patuloy na pagtaas na presyo ng mga produkyong petrolyo. Ayon kay… Continue reading Pamamahagi ng fuel subsidy vouchers sa PUV drivers, minamadali na ng DOTr at LTFRB

Forgiveness clause sa Anti-Rape Law, pinaaalis ng isang mambabatas

Ipinapanukala ni 4Ps Party-list Representative JC Abalos na amyendahan ang Republic Act 8353 o Anti-Rape Law. Partikular na pinababago ng mambabatas sa kaniyang House Bill 9083 ang Section 266-C o yung forgiveness clause. Sa ilalim kasi nito, mapapawalang sala ang nanggahasa kung pakakasalan nito ang biktima. Dahil kasi aniya sa probisyong ito ay sapilitang ipinapakasal… Continue reading Forgiveness clause sa Anti-Rape Law, pinaaalis ng isang mambabatas

Pamahalaan, paiigtingin ang paglikha sa mga trabahong de kalidad at mataas ang kita, ayon sa NEDA

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na prayoridad ng pamahalaan ang paglikha sa mga trabahong de kalidad at mataas ang kita. Ito ay kasunod ng inilabas na July 2023 Labor Force Survey, kung saan naitala sa 4.8% ang unemployment rate nitong Hulyo na mas mababa sa 5.2% na naitala sa kaparehong buwan noong… Continue reading Pamahalaan, paiigtingin ang paglikha sa mga trabahong de kalidad at mataas ang kita, ayon sa NEDA

Serbisyo ng SSS, pinalawak pa sa ilang lgu at ahensya ng pamahalaan

Sa selebrasyon ng ika-66 na anibersaryo ng Social Security System (SSS), pinalawak pa nito ang pakikipag-partner sa ilang mga local government unit (LGU) at mga ahensya para mas mailapit ang serbisyo sa maraming Pilipino. Kasunod ito ng paglagda nina SSS President & CEO Rolando Macasaet at SSS VP Branch Operations Voltaire Agas ng ilang mga… Continue reading Serbisyo ng SSS, pinalawak pa sa ilang lgu at ahensya ng pamahalaan

DOH, positibong walang COVID bivalent vaccine na masasayang mula sa donasyon ng Lithuania

Nilinaw ni Health Secretary Ted Herbosa na halos paubos na ang donasyong COVID-19 bivalent vaccine mula Lithuania. Sa interpelasyon ni General Santos City Representative Loreto Acharon, natanong nito kung totoo ba ang napaulat na may mga bivalent vaccine na mag-e-expire. Ayon kay Herbosa, ilan sa bakuna ay may expiration ng September 2023 at mayroong January… Continue reading DOH, positibong walang COVID bivalent vaccine na masasayang mula sa donasyon ng Lithuania

P49.9-M halaga ng family food packs, inilabas ng DSWD para sa naapektuhan ng Bagyong Goring sa Western Visayas

Umaabot sa P49.9 milyon ang halaga ng family food packs at non-food items ang na-release ng Department of Social Welfare and Development VI para sa naapektuhan ng bagyong Goring nang dumaan ito sa Kanlurang Visayas. Ang Negros Occidental ang may pinakamataas na natanggap na tulong na umabot sa P21.8 milyon, sunod ang Iloilo na sa… Continue reading P49.9-M halaga ng family food packs, inilabas ng DSWD para sa naapektuhan ng Bagyong Goring sa Western Visayas

Mga nasimulan ng yumaong DMW Sec. Ople, ipagpapatuloy ng bagong OIC ng kagawaran

Nangako ang bagong talagang Officer-In-Charge ng Department of Migrant Workers o DMW na si Usec. Hans Leo Cacdac na kaniyang ipagpapatuloy ang mga simulain ng yumaong Kalihim ng kagawaran na si Sec. Susan “Toots” Ople. Sa isang pahayag, sinabi ni Cacdac na kaniyang tinatanggap ang tungkuling ini-atang sa kaniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.… Continue reading Mga nasimulan ng yumaong DMW Sec. Ople, ipagpapatuloy ng bagong OIC ng kagawaran

P4.1-M halaga ng livelihood assistance, ipinamahagi ng DSWD IX sa tatlong bayan sa Zamboanga Del Norte

Ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development Region-9 (DSWD-9) ang P4.1 milyong halaga ng livelihood assistance sa tatlong mga bayan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte. Ayon sa DSWD Region 9, umabot sa 274 na mga benepisyaryo ang nakatanggap ng tig-15,000 pisong livelihood assistance. Sa 274 na mga benepisyaryo, 172 rito ay nagmula sa… Continue reading P4.1-M halaga ng livelihood assistance, ipinamahagi ng DSWD IX sa tatlong bayan sa Zamboanga Del Norte

Pangulong Marcos Jr., pinuri ang World Bank sa realignment ng kanilang programa para sa ‘post-pandemic setting’

Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang World Bank sa ginawang hakbang ng kanilang mga programa na iniakma sa post-pandemic setting. Ayon sa Pangulo, mas epektibong matutugunan ng realigned programs ng World Bank ang mga hamon pang kakaharapin sa yugtong ito na post-pandemic. Positibo naman Ang Pangulo na magtatagumpay ang mga programa ng World… Continue reading Pangulong Marcos Jr., pinuri ang World Bank sa realignment ng kanilang programa para sa ‘post-pandemic setting’