Pagiging insurgency-free ng Pilipinas, nananatiling prayoridad ng OPAPRU

Patuloy pa ring pinagsusumikapan ng pamahalaan na matamo ang target nito na maging insurgency-free ang buong Pilipinas sa mga susunod na taon. Ito ang pagtitiwalang inihayag ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Senior Undersecretary Isidro Purisima kasunod ng dumaraming bilang ng mga lugar sa bansa na idinedeklarang malaya na… Continue reading Pagiging insurgency-free ng Pilipinas, nananatiling prayoridad ng OPAPRU

Pangangailangan sa muling pagkakaroon ng matibay na sektor ng kalusugan matapos ang pandemya, binigyang diin ng NEDA

Malaki ang pangangailangan ng Pilipinas sa pagkakasa ng mga pambansang istratehiya na magtataguyod sa pagpapaunlad ng lipunan at para sa muling pagpapatibay sa sektor ng kalusugan matapos ang pandemya. Ito ang binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) matapos ang high-level meeting sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng World Bank sa usapin… Continue reading Pangangailangan sa muling pagkakaroon ng matibay na sektor ng kalusugan matapos ang pandemya, binigyang diin ng NEDA

Mga pulis sa Kampo Crame, sabay-sabay na nag-duck, cover, and hold kaalinsabay ng 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Sabay-sabay na nag-duck, cover, and hold ang mga pulis sa Kampo Crame bilang pakikiisa sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kahapon. Sa hudyat ng sirena, marahang bumaba sa kani-kanilang mga opsina ang mga pulis sa loob ng Kampo at tumungo sila sa harap ng National Headquarters para sa accounting. Bitbit ang mga panangga… Continue reading Mga pulis sa Kampo Crame, sabay-sabay na nag-duck, cover, and hold kaalinsabay ng 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Pagbaba ng ranking ng Pilipinas sa Global Terrorism Index, resulta ng pagkakaisa ng bawat Pilipino para makamit ang kapayapaan — OPAPRU

Itinuturing na welcome development ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang pagbaba ng ranking ng Pilipinas sa Global Terrorism Index. Ito’y makaraang iulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Preventing and Countering Violent Extremism Project Manager Joan Hope Tolibas sa isinagawang 2023 Research Conference ng OPAPRU.… Continue reading Pagbaba ng ranking ng Pilipinas sa Global Terrorism Index, resulta ng pagkakaisa ng bawat Pilipino para makamit ang kapayapaan — OPAPRU

Walong pulis na sangkot sa Jemboy Baltazar case, pinasisibak ng IAS sa serbisyo

Pinasisibak sa serbisyo ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang walong pulis na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar na napagkamalang suspek sa krimen sa Navotas. Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, kasama dito ang anim na pulis na umaming direktang nagpaputok ng baril sa naturang insidente at ang dalawang team leader. Paliwanag… Continue reading Walong pulis na sangkot sa Jemboy Baltazar case, pinasisibak ng IAS sa serbisyo

Pagbabayad para sa pagpaparehistro ng ika-4 na SIM card ng isang subscriber, ipinapanukala ni Senador Francis Tolentino

Isinusulong ni Senador Francis Tolentino na magpataw ng bayad sa pagpaparehistro ng pang-apat na SIM (subscriber identity module) ng isang subscriber. Ayon kay Tolentino, layon ng mungkahi niyang ito na mapigilan ang mga scammer na makapanloko ng mga Pilipino. Inihalintulad pa ng senador ang sitwasyon sa mga subdivision na nagpapataw ng mas mataas na bayad… Continue reading Pagbabayad para sa pagpaparehistro ng ika-4 na SIM card ng isang subscriber, ipinapanukala ni Senador Francis Tolentino