P136-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Paranaque City -PDEA

Aabot sa P136-milyon ang halaga ng shabu na nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency at ParanaqueCity Police sa Tambo, Parañaque City. Sa ulat ng PDEA, isang buy-bust operation ang ikinasa ng mga awtoridad sa lugar at humigit kumulang sa 20-kilo ng shabu ang nakumpiska. Nahuli din ang mga drug suspect sina Mark Joseph Cortez at… Continue reading P136-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Paranaque City -PDEA

TUPAD Program ng DOLE, binigyan ng exemption ng Comelec

Maipagpapatuloy pa rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang cash for work program nito kahit umiiral ang election ban.  Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia, inaprubahan nila kanina ang application for exemption ng DOLE para magpatuloy ang pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.  Sabi ni Garcia, hindi pwedeng iantala… Continue reading TUPAD Program ng DOLE, binigyan ng exemption ng Comelec

Ilang senador, magkakataliwas ang opinyon sa apela ng Ombudsman na alisin na ang mandatory publication ng initial audit report ng COA

Magkakaiba ang opinyon ng ilang mga senador sa panawagan ni Ombudsman Samuel Martires na alisin ang probisyon sa general appropriations act (GAA) tungkol sa mandatory publication ng initial report ng Commission on Audit (COA) tungkol sa paggamit ng pondo ng mga government agencies. Ayon kay Senadora Imee Marcos, mahalagang maikonsidera ang apelang ito ng Ombudsman. Iginiit… Continue reading Ilang senador, magkakataliwas ang opinyon sa apela ng Ombudsman na alisin na ang mandatory publication ng initial audit report ng COA

Bilang ng enrollees para sa School Year 2023-2024, umabot na sa 26.7 million – DepEd

Pumalo na 26.7 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa School Year 2023-2024. Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Learner Information System Quick Count ng Department of Education (DepEd) hanggang kaninang alas-9 ng umaga. Pinakamalaking bilang ng mga nag-enroll na estudyante ay mula sa Region IV-A na umabot na sa 3.9… Continue reading Bilang ng enrollees para sa School Year 2023-2024, umabot na sa 26.7 million – DepEd

Maharlika Investment Fund, natalakay ni Pangulong Marcos Jr. sa 2023 Asian Summit sa Singapore

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na tutukan na ng bansa ang pamumuhunan, para sa karagdagang pondo ng bansa. “So we need to invest more and where can funding of invest more without increasing our borrowings. And so we look into the reserves that we have which are not, in our view,… Continue reading Maharlika Investment Fund, natalakay ni Pangulong Marcos Jr. sa 2023 Asian Summit sa Singapore

Mahigpit na seguridad vs. hackers, siniguro ng pamahalaan sa gagawing pagpapabilis ng deployment ng national digital ID

Photo from Presidential Communications Office

Siniguro ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mayroong nakalatag na safeguards sa deployment ng digital national ID laban sa hackers at scammers. Pahayag ito ni DICT Secretary John Ivan Uy, sa gitna ng pagpapabilis na gagawin ng pamahalaan sa pagbababa ng digital IDs ng mga Pilipino bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong… Continue reading Mahigpit na seguridad vs. hackers, siniguro ng pamahalaan sa gagawing pagpapabilis ng deployment ng national digital ID

P15,000 production subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda, itinutulak

Inihain sa Kamara ang isang panukala para bigyan ng P15,000 “production subsidy” ang mga magsasaka at mangingisda sa ating bansa. Sa ilalim ng House Bill 9053 ni Davao City Representative Paolo Duterte, 9.7 million na magsasaka at mangingisda na ngayon ang apektado ng mataas na presyo ng langis at farm input gaya ng abono; economic… Continue reading P15,000 production subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda, itinutulak

DSWD, DTI at DILG, nagkasundong pabilisin pa ang pamamahagi ng SLP cash aid para sa micro rice retailers

Pursigido ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of the Interior and Local Government (DILG), na pabilisin pa ang pamamahagi ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-Cash Assistance para sa Micro Rice Retailers Sa pulong nina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DTI Undersecretary Carol Sanchez, at DILG Undersecretary Marlo… Continue reading DSWD, DTI at DILG, nagkasundong pabilisin pa ang pamamahagi ng SLP cash aid para sa micro rice retailers

Ilang amyenda sa batas, hiniling ni Defense Secretary Teodoro para sa isinusulong na AFP retirement trust fund

Aprubado na sa committee level ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro. Kabilang sa mga natanong kay Teodoro ang isyu tungkol sa ipinapanukalang amyenda sa pension system ng mga military and uniformed personnel (MUP). Ayon kay Teodoro, ipinauubaya na niya sa Kongreso ang desisyon… Continue reading Ilang amyenda sa batas, hiniling ni Defense Secretary Teodoro para sa isinusulong na AFP retirement trust fund

Philippine Red Cross at Rotary Club, nagsagawa ng Health Caravan sa Angono, Rizal

Nag-organisa ang Philippine Red Cross (PRC) at Rotary Club ng Makati at Angono ng Health Caravan sa Angono Municipal Gym sa Rizal. Layon nitong mabigyan ng libreng serbisyong medikal ang mga residente na walang access sa mga health facility, lalo na ang mga malalayo ang tirahan. Mahigit 200 indibidwal ang nabigyan ng health consultation ng… Continue reading Philippine Red Cross at Rotary Club, nagsagawa ng Health Caravan sa Angono, Rizal