Trabaho at buhay ng mga Pilipino sa Libya, tuloy lamang kasunod ng pananalasa ng malakas na bagyo at pagbaha doon

Nananatili sa maayos na kondisyon ang mga Pilipino sa Libya, kasunod ng pananalasa ng malakas na bagyo na nagdulot ng mga pagbaha sa lugar, ika-11 ng Setyembre. “Marami po ang missing, marami po ang namatay, nakikidalamhati tayo sa ating mga kaibigan from Libya, ganoon pa man ay walang Filipino included sa casualties at missing accounted… Continue reading Trabaho at buhay ng mga Pilipino sa Libya, tuloy lamang kasunod ng pananalasa ng malakas na bagyo at pagbaha doon

DTI sa rice retailers: Idaan sa mga opisyal ng ahensya ng pamahaalan ang reklamo para sa mas mabilis na aksyon

Umapela ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga retailer na may mga reklamo patungkol sa kanilang matatanggap na subsidiya, na idaan sa tamang komite o tamang proseso ang kanilang hinaing upang mas tiyak na matugunan ng mga kinauukulang ahensiya. Ayon kay Trade Assistant Secretary Agaton Uvero, halos lahat kasi ng… Continue reading DTI sa rice retailers: Idaan sa mga opisyal ng ahensya ng pamahaalan ang reklamo para sa mas mabilis na aksyon

Nakatenggang promosyon ng 3rd level officers ng PNP, malapit nang maresolba

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na matutuloy ang promosyon ng mga 3rd level officer ng PNP na matagal nang nakatengga. Ito aniya ang pagtiyak na binigay mismo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., na personal na nagtungo sa Camp Crame para… Continue reading Nakatenggang promosyon ng 3rd level officers ng PNP, malapit nang maresolba

Pagbababa ng hatol sa pumaslang kay Jullebee Ranara, ikinalugod ni Pangulong Marcos Jr.

Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Embassy sa Kuwait, ang Department of Migrant Workers (DMW), at ang Kuwaiti Authorities sa pagsisigurong maibibigay ang hustisya sa pamilya ni Jullebee Ranara. Pahayag ito ng Pangulo, makaraang masintensyahan ng15 taong pagkakabilanggo ang akusado na si Turki Ayed Al-Azmi, at karagdagang isang taon para sa pagmamaneho… Continue reading Pagbababa ng hatol sa pumaslang kay Jullebee Ranara, ikinalugod ni Pangulong Marcos Jr.

Nasa 23,000 PUV drivers at operator, nakatanggap na ng fuel subsidy — LTFRB

Hindi bababa sa 23,000 na public utility vehicle (PUV) drivers at operators ang nakatanggap na ng fuel subsidy.  Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Technical Division chief Joel Bolano, sinimulan ng Landbank nitong Miyerkules ang pagproseso ng subsidy batay sa listahan ng mga benepisyaryo na isinumite.  Ani Bolano, ang mga jeepney at… Continue reading Nasa 23,000 PUV drivers at operator, nakatanggap na ng fuel subsidy — LTFRB

Iba’t ibang mga hakbang upang matulungan ang rice retailers na sumusunod sa EO39, tinalakay sa pulong ng NEDA at DSWD

Nagpulong ngayong araw sina National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian. Tinalakay sa pagpupulong ng dalawang opisyal ang mga hakbang kung paano maipatutupad ang pamamahagi ng tulong para sa rice retailers na tumatalima sa umiiral na price cap sa bigas. Gayundin ang… Continue reading Iba’t ibang mga hakbang upang matulungan ang rice retailers na sumusunod sa EO39, tinalakay sa pulong ng NEDA at DSWD

LTO at PNP, mas paiigtingin ang pagtutulungan vs. kriminalidad at road safety

Nagpulong ang Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police (PNP), upang mas paigtingin ang pagtutulungan laban sa kriminalidad at road safety. Kabilang sa natalakay sa pulong ay kung paano paiigtingin ng dalawang ahensya ang monitoring system sa mga sasakyan, partikular na ‘yung mga nagamit sa mga kriminal na aktibidad at sangkot sa insidente ng… Continue reading LTO at PNP, mas paiigtingin ang pagtutulungan vs. kriminalidad at road safety

Pamahalaan, hinihintay na lang ang kabuuang desisyon ng Kuwaiti court sa matatanggap na kompensasyon ng pamilyang Ranara

Nagpasalamat ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jullebee Ranara, makaraang mahatulan ng 15 taong pagkakakulong ang pumaslang dito na si Turki Ayed Al-Azmi. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega, na bagamat nakulangan ang pamilya Ranara sa sentensyang ito, naiintindihan nila ang sentimyento ng mga ito.  “Alam… Continue reading Pamahalaan, hinihintay na lang ang kabuuang desisyon ng Kuwaiti court sa matatanggap na kompensasyon ng pamilyang Ranara

Bilang ng mga nag-enroll para sa SY 2023-2024, pumalo na sa halos 27 milyon

Patuloy pa rin sa pagtanggap ng mga late enrollee ang Department of Education o DepEd kahit mahigit dalawang linggo na buhat nang magbukas ang klase. Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education o DepEd Learner Information System Quick Count as of September 12, umakyat na sa 26.8 o halos 27 milyon na ang bilang… Continue reading Bilang ng mga nag-enroll para sa SY 2023-2024, pumalo na sa halos 27 milyon

House Appropriations Chair, nagpaalala sa mga ahensya ng gobyerno na tumalima sa BSKE spending ban

Pinaalalahanan ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co ang mga ahensya ng pamahalaan na sumunod sa itinakdang spending ban ng COMELEC kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Simula ngayong Setyembre 15 ay ipagbabawal na ang paglalabas at paggamit ng public funds para sa social services at development program dahil sa nalalapit na halalan. Magkagayunman,… Continue reading House Appropriations Chair, nagpaalala sa mga ahensya ng gobyerno na tumalima sa BSKE spending ban