Aabot sa 1,500 mga residente ng Pasig City ang nakinabang mula sa inilunsad na Serbisyo Caravan ng National Capital Region Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ayon sa Task Force, isinagawa ang Serbisyo Caravan sa Rizal High School Gymnasium sa Brgy. Caniogan kung saan, nakinabang ang mga benepisyaryo mula sa 13 barangay sa lungsod.
Sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Pasig City, binigyan ang mga benepisyaryo ng iba’t ibang serbisyo mula sa mga National Government Agency gaya ng DSWD, DTI, DOLE, DEPED, TESDA at DOH.
Dito, binigyan din ang mga benepisyaryo ng iba’t ibang serbisyo gaya ng medical at dental gayundin ng libreng gupit na handog ng mga sundalo.
Layon ng Serbisyo Caravan na itaas ang antas ng kamalayan ng publiko hinggil sa panghihikayat ng mga tinatawag na communist – aligned origanization na umanib sa kanilang causa. | ulat ni Jaymark Dagala