Sa layuning mapabilis at madaling makakuha ng medical assistance ang publiko lalo na sa mga nasa mahirap na antas ng pamumuhay, binuksan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang 159th Malasakit Center sa Bislig District Hospital sa Bislig City, Surigao del Sur.
Si Senator Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography ang siyang nagpasimuno sa pagpapatayo ng Malasakit Centers.
Ang Malasakit Center sa Bislig City ay pang-pito sa Caraga Region at ika 40th sa Mindanao.
Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop sa mga kakailanganing tulong medikal tulad na lamang ng medical bills, laboratory fees mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tutulong sa pagpapagamot.
Ngayong taon, nakatakdang itayo ang karagdagang Malasakit Centers sa mga bayan ng Barobo, San Agustin at Tagbina na sakop pa rin ng probinsiya ng Surigao del Sur.
Samantala, inanunsiyo ni Senator Go na magkakaroon rin ng Super Health Centers ang Surigao del Sur partikular sa Cantilan, Hinatuan, Lianga at Lingig.
Itinaon na rin ni Sen Go ang pamamahagi ng tulong sa 129 na mga pasyente, at 191 frontliners kasama na rito ang mga security guards, utility workers at hospital staff.
Ang mga natanggap na tulong ay kinabibilangan ng grocery packs, masks, vitamins, at snacks
Mayroon ding mga piling indibidwal na tumanggap ng mobile phones, sapatos, relo, shirts, at mga bola pang basketball at volleyball. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan