Kamara, target ipasa ang 2024 budget bago ang session break sa katapusan ng buwan

Desidido ang Kamara na ipasa ang P5.768 trillion 2024 budget bago ang nakatakdang break ng Kongreso sa September 29. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, para matiyak ang on time na pagpapatibay sa panukalang pambansang budget ay maagang magsisimula ang plenary deliberations na mag-uumpisa sa September 19, Martes alas-9 ng umaga. Maliban dito, magkakaroon din… Continue reading Kamara, target ipasa ang 2024 budget bago ang session break sa katapusan ng buwan

P34.3M flood control project, naitayo ng DPWH para sa mga residente ng Dipaculao, Aurora

Natapos nang maitayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 1.33-lineal-kilometer flood control structure para bigyan ng proteksyon mula sa baha ang mga residente sa Dipaculao, Aurora. Ayon kay DPWH Regional Office 3 Director Roseller Tolentino, ang flood control structure na ito sa Salay Creek ay magbibigay ng epektibong proteksyon sa mga kalapit… Continue reading P34.3M flood control project, naitayo ng DPWH para sa mga residente ng Dipaculao, Aurora

Pangulong Marcos Jr., mainit na tinanggap ng mga OFWs sa Singapore

Tila rockstar ang naging pagtanggap kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Overseas Filipino workers (OFWs) sa Singapore, sa ginawa nitong surpresang pagbisita sa Lucky Plaza Mall, ngayong Linggo (September 17), sa sidelines ng kaniyang official visit doon. Ayon kay Communication Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, hindi magkamayaw ang mga OFW nang masilayan ang pangulo.… Continue reading Pangulong Marcos Jr., mainit na tinanggap ng mga OFWs sa Singapore

House leaders at oil companies, magpupulong bukas para tugunan ang patuloy na oil price hike

Nakatakdang magpulong ngayong darating na Lunes, September 18 ang mga opisyal ng Kamara, Department of Energy at oil companies sa bansa upang hanapan ng solusyon ang patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang dayalogo sa pagitan ng Kamara, DOE at oil companies ay upang tugunan ang mabigat… Continue reading House leaders at oil companies, magpupulong bukas para tugunan ang patuloy na oil price hike

P680K halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Parañaque City

Nasabat ng mga awtoridad mula sa isang high-value individual ang aabot sa P680,000 o katumbas ng 100 gramo ng hinihinalang shabu matapos magsagawa ng buy-bust operation ang Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay San Isidro, Parañaque. Kinilala ang suspect bilang si Nasrudin Ayob Libas alias “Camsa”, 33 taong gulang. Sa operasyon… Continue reading P680K halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Parañaque City

PNP top-level officials, sumailalim sa on-the-spot drug test sa Camp Crame

Sumailalim sa surprise drug test ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police. Sa ulat ng PNP-Public Information Office, mismong si PNP PGen. Benjamin Acorda Jr. ang nanguna sa on-the-spot drug test. Itinaon ito sa command conference na isinagawa sa multi-purpose hall sa Camp Crame noong Biyernes. Walumput siyam (89) na PNP top level… Continue reading PNP top-level officials, sumailalim sa on-the-spot drug test sa Camp Crame

Bilang ng bar examinees ngayong taon, umabot sa higit 10,400 ayon sa SC

Umabot sa 10,404 sa buong bansa ang bilang ng mga aspiring lawyer na kumuha ng pagsusulit para sa bar examinations ngayong taon ayon sa pinakahuling talang inilabas ng Supreme Court (SC) ngayong araw. Sa bilang na iyan, pinakamarami ang kumuha ng Bar sa San Beda University sa Maynila na umabot sa 1,614, na sinundan ng… Continue reading Bilang ng bar examinees ngayong taon, umabot sa higit 10,400 ayon sa SC

Abra solon, mariing kinondena ang pamamaslang sa human rights lawyer na si Atty. Alzate

Nagpaabot ng pakikiramay si Abra Rep. Ching Bernos sa mga naiwan ni Atty. Ma. Saniata Liwliwa Gonzales Alzate, ang human rights lawyer na pinagbabaril ng riding in tandem. Ayon kay Bernos, kaisa sila sa paghahanap ng hustisya para sa pinaslang na abogado. Kinondena rin ni Bernos ang paggamit ng dahas ng mga hindi pa kilalang… Continue reading Abra solon, mariing kinondena ang pamamaslang sa human rights lawyer na si Atty. Alzate

Sitwasyon sa UST kaugnay ng 2023 Bar Examinations ngayong araw, maayos at payapa

Nanatiling maayos at payapa ang pagsasagawa ng 2023 Bar Examinations dito sa University of Sto. Tomas sa España, Maynila. Bahagi ng naging pagsusulit kaninang umaga ng mga Barista ang Political and Public International Law. Mamayang hapon, ayon sa Korte Suprema, sesentro naman sa Commercial and Taxation Laws ang magiging pagsusulit ng aspiring lawyers na magsisimula… Continue reading Sitwasyon sa UST kaugnay ng 2023 Bar Examinations ngayong araw, maayos at payapa

DILG, ikinatuwa ang pagsuporta ng LGUs sa inilunsad na Barangay at Kalinisan Day (BarKaDa)

Malugod na pinasalamatan ni DILG Secretary Benhur Abalos ang local government units (LGUs) na nakibahagi sa inilunsad na cleanup drive program kahapon. Sa isinagawang Barangay at Kalinisan Day (BarKaDa)sa Metro Manila, sabay-sabay na nilinis ng mga volunteer at kawani ng gobyerno ang 10 estero sa lungsod ng Maynila, ilang sapa sa Quezon City, Las Piñas,… Continue reading DILG, ikinatuwa ang pagsuporta ng LGUs sa inilunsad na Barangay at Kalinisan Day (BarKaDa)